Ang maikling kuwentong *Si Pinkaw* ay isinulat ni Isabelo S. Sobrega at nasa wikang Hiligaynon. Ang kwento ay isinalaysay ng kapitbahay ni Pinkaw, na nagbigay-linaw sa mga pangyayari bago siya mabaliw. Si Pinkaw ay may tatlong anak na iba-iba ang ama, ayon kay Tisang Tahur. Siya ay nangangalakal ng basura upang kumita at makahanap ng pagkain para sa kanilang mag-ina. Sa kasamaang-palad, namatay ang kanyang mga anak dahil sa pagkalason, kaya’t nawala siya sa katinuan.